torya ko to

Friday, August 31, 2007

Latigo

Latigo
"boom dizon"


Boom Dizon)

Nalimutan ko nang mataranta
Nawala kang muli
Hindi ko tatanungin

Hindi nawawala ang hindi hinahanap
Panong mapapagod ang dati nang pagal
Hindi malilimot ang di mo naintindihan

Humalik sa himpapawid
Arukin ang di maabot
Malayong babalik ka pa
Pumipiglas ang lubid
Yayapos ang alipin
Umaatras
Ang oras
Kapag ika’y nawawala

Nalimutan mo nang magsalita
At tulad ng huli
Purihin ang salarin

Hindi nabibigo ang di nangangahas
Santong pinapako, kumalinga ng wagas
Magsisi’t tumalikod wala ka nang babalikan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home